Add parallel Print Page Options

14 Ang sinumang hindi tumanggap sa inyo, ni makinig sa inyong mga salita, lumabas kayo sa bahay, o lungsod na iyon. Paglabas ninyo, pagpagin ninyo ang alikabok sa inyong mga paa. 15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Sa araw ng paghatol ay higit na magaan ang parusa sa lupain ng Sodoma at Gomora kaysa sa lungsod na iyon. 16 Narito, sinusugo ko kayong katulad ng mga tupa sa gitna ng mga lobo. Kaya nga, magpakatalino kayong katulad ng mga ahas at maging maamong katulad ng mga kalapati.

Read full chapter